Ngunit ano nga ba ang Spirulina?
Ang spirulina ay uri ng lumot na ligtas kainin at nasa klasipikong “cyanobacteria” ito ay tumutukoy sa mga asul-berdeng alga (algae). Ang spirulina ay hango sa salitang “helix” o spiral sa ingles. Ito ang inspirasyon ng produktong ito na naglalaman ng mga benipisyo katulad ng mga benipisyong hatid ng halaman na spirulina.
Ang spirulina ay naglalaman ng “probiotics” na nakakatulong sa ating katawan upang maging malusog. Ito ay isang uri ng bakterya na nakakatulong sa maraming bagay katulad na lamang sa paglaban sa bakterya na nagdudulot ng sakit sa ating katawan. Bukod rito ay napakaraming nilalaman ang produktong ito na makakabuti sa kalusugan at katawan ng tao.
Kahit sino ay pwedeng uminom sa nasabing produkto, bata, may edad at matatanda. Napakaraming nutrisyon namakukuha dito. Nakakatulong ito para protektahan ang atay ng tao, kontrolin ang hypertension, magbawas ng timbang at upang mapanatag ang isip an presyon sa trabaho. Ito rin ay nakagagamot ng mga sakit katulad ng, diabetic, acidic, higblood, almoranas, goiter insomnia at ibsan ang cholesterol. Sapagkat, sa pag inom nito ay nakakagpababa ng presyon sa dugo, sugar level, nakakapagpalakas ng resistensya, nakakaganda ng tulog, labanan ang pag kasira sa atay at maging pigilan ang cancer. Napakaganda ng produktong ito sapagkat sa maliit na tableta ay marami kanang makukuhang benepisyo at dumaan ito sa masusing pag susuri at proseso sa Thailand. At higit sa lahat subok na ng nakararami.
Ngunit wala namang produktong perpekto. Ang spirulina ay may kapintasan din. Ito ay may amoy na katulad ng matcha tea hindi masyadong kaayaaya ang lasa at amoy nito. At medyo may kamahalan ang presyo nito na nagkakahalaga ng 1, 135 pesos. May mga pag aaral na nagsasabing hindi pwede ang mga buntis at nagpapadede ng sanggol, mga may bleeding disorder are on blood thinners.
Sanggunian: https://www.healthline.com https://www.pushdoctor.co.uk https://kuyahgs.blogspot.com https://www.verywellhealth.com


